Sunday, July 2, 2017

Tamang pag-awit ng Lupang Hinirang, iginiit sa Kamara

Hindi pwedeng baguhin ang rendition o tono ng Lupang Hinirang sa tuwing aawitin.
Sa ilalim ng panukalang House Bill 5224 na nag-aamyenda sa Flag and Heraldic Code of the Philippines, ang pambansang awit ay dapat na sumusunod sa musical arrangement at komposisyon ni Julian Felipe.
Mababatid na may mga malalaking events sa bansa na kinakanta ang Lupang Hinirang at iniiba ang komposisyon ng awitin.
Kakantahin lamang ang pambansang awit tuwing may international competition na pinangungunahan o kinakatawan ng Pilipinas, national o local sports competition, kapag signing off o signing on ng radyo o telebisyon, bago ang pagbubu­kas ng oras ng trabaho at nagtata­pos ang tra­baho ng mga emplyeado, bago at pagkatapos ng pagpapalabas ng pelikula, at iba pang okasyon na pinapayagan sa ilalim ng National Historical Commission.
Ang sinuman na babastusin o gagawing katatawanan ang pambansang awit ay mahaharap sa kasong criminal o administratibo o kaya ay multa at pagkakakulong.
Samantala, isang solusyon na naisip ng Philippine Commission on Women para maturuan ang kababaihang Pilipino ng tamang pag-awit ng Lupang Hinirang, ang all-women cast version nito. Pero, ayon sa NHCP, hindi maaring gamitin sa entertainment ang bersyon na ito.

No comments:

Post a Comment