Saturday, October 19, 2019

Ano ang favorite Christmas song mo?

<iframe src="https://www.facebook.com/plugins/post.php?href=https%3A%2F%2Fwww.facebook.com%2FabscbnNEWS%2Fposts%2F10157577118070168&width=500" width="500" height="595" style="border:none;overflow:hidden" scrolling="no" frameborder="0" allowTransparency="true" allow="encrypted-media"></iframe>

Thursday, January 11, 2018

24 Oras: NHCP: Maraming kabataan ang hindi kabisado ang ating pambansang awit

AT the end of the Philippine National Anthem, with our right hand over the heart, we solemnly sing this verse: “Lupa ng araw na lualhati’t pagsinta/Buhay ay langit sa piling mo/Aming ligaya, na pag may mang-aapi/Ang mamatay nang dahil sa iyo.”

Ang "Lupang Hinirang" ang ating pambansang awit.

Mahalaga ang pagkakaroon ng national anthem para sa isang bansang malaya, katulad ng Pilipinas.

Simbolo ito ng pagbubuwis ng buhay at hirap na dinanas ng ating mga bayani para makamit ang ating kalayaan.

Simbolo rin ng pagiging Pilipino.

Pero dismayado ang National Historical Commission of the Philippines, maraming kabataan daw ang hindi kabisado ang "Lupang Hinirang."

"Mayroong na punda kami na teacher, merong ding estudyante, pero kagipitan na nakakalimutan nila, kaya kailangan natin talaga ang puspusan pagpapaliwanag," sinabi ni Teddy Atienza, Head of the Heraldry Section of NHCP.

"Lupang Hinirang" is traditionally played at the beginning of public sports events and flag raising and lowering ceremonies in offices and schools.

Friday, August 4, 2017

VICE GANDA - BoomPanes (Official Lyric Video)





BOOMPANES CREDITS

Lyric Video by Archelle de Belen

Words and Music by: Jonathan Manalo, Rox Santos and Vice Ganda.

Arranged by Paulo Zarate

Back Up Vocals by: CE Cristobal, Det Antonio, Allysa Villanueva and Rox Santos.

Music Production by: Rox Santos and Jonathan Manalo

Mixed and Mastered by: Dante Tanedo of Bellhaus Studios

Published by Star Songs Inc.



Boom Panes

Boom Boom Panes Panes

Boom Panes

Boom Boom Panes Panes

Boom Panes

Boom Boom Panes Panes

Boom Panes

Boom Boom Panes Boom

Mundo mo'y maganda Diyos gumawa nito

Buhay ay maganda Diyos nagbigay nito

Wag mong ikahiya naging itsura mo

Tayo'y magkakaiba walang perpekto




Friday, July 28, 2017

Minus One - Tell the World of His Love





naaalala ko po tong ad na ito... lagi ko inaabangan Pagtapos ng lupang hinirang ito kasunod sa ABS-CBN 2 at PTV-4:





“TELL THE WORLD OF HIS LOVE”



World Youth Day 1995 Theme Song

Words and Music by: Trina Belamide

Lead Vocals by: Jeffrey Arcilla and Raquel Mangaliag

Back-up Vocals: Dada de Pano, Niser de Pano, Trina Belamide, Andrei Jose, Wilson Santos, Ritchie Ilustre

Vocal Arrangement: Trina Belamide

Musical Arrangement: N. Arnel de Pano

Producer: Trina Belamide

Track 6 of the cassette album: “Tell the World of His Love - World Youth Day”, by Praise, Inc. (1994)

ABOUT THE SONG: In January 1995, Pope John Paul II came to Manila for World Youth Day 1995.  The theme for that year was "As the Father sent me, so am I sending you." TELL THE WORLD OF HIS LOVE was written with this theme in mind and was selected out of 85 songs to be the Official Theme Song for that event, which brought together millions of people in what was one of the world's biggest gatherings. The song continues to be sung in churches and during World Youth Day held in various countries.



Raquel Mangaliag:



For God so loved the world



He gave us his only Son



Jesus Christ our Savior

His most precious one





Jeffrey Arcilla:



He has sent us His message of love



And sends those who hear



to bring the message to everyone

In a voice loud and clear.





Jeffrey Arcilla and Raquel Mangaliag:



Let us tell the world of His love



The greatest love the world has known



Search the world for those who have walked

Astray and lead them home

Fill the world's darkest corners

With His light from up above

Walk every step, every mile, every road

And tell the world





Dada de Pano, Niser de Pano, Trina Belamide:

(…Tell the world),



Jeffrey Arcilla and Raquel Mangaliag:

Tell the world of His love.



(Interlude)



Jeffrey Arcilla and Raquel Mangaliag:



For God so loved the world



He gave us his only Son

Jesus Christ our Savior His Most Precious One











Dada de Pano, Niser de Pano, Trina Belamide:

He has sent us His message of love

and sends those who hear

Andrei Jose, Wilson Santos, and Ritchie Ilustre:

To bring the message to everyone

In a voice loud and clear.



Jeffrey Arcilla and Raquel Mangaliag:

Let us tell the world of His love

The greatest love the world has known

Search the world for those who have walked

Astray and lead them home



Dada de Pano, Niser de Pano, Trina Belamide:

(Ahh… ahh…)



Jeffrey Arcilla and Raquel Mangaliag:

Fill the world's darkest corners

With His light from up above

Walk every step, every mile, every road

And tell the world



Dada de Pano, Niser de Pano, Trina Belamide:

(…Tell the world),



Jeffrey Arcilla and Raquel Mangaliag:

Tell the world of His love!



(Interlude)



Andrei Jose, Wilson Santos, and Ritchie Ilustre:

Let us tell the world of His love



Jeffrey Arcilla and Raquel Mangaliag:

(Tell the world of His love)



Andrei Jose, Wilson Santos, and Ritchie Ilustre:

The greatest love the world has known



Jeffrey Arcilla and Raquel Mangaliag:

Search the world for those who have walked



Astray and lead them home



Dada de Pano, Niser de Pano, Trina Belamide:

(…lead them home)





Andrei Jose, Wilson Santos, and Ritchie Ilustre:

Fill the world's darkest corners



Jeffrey Arcilla and Raquel Mangaliag:



With His light from up above



Walk every step, every mile, every road

And tell the world;

Dada de Pano, Niser de Pano, Trina Belamide:

(…tell the world)

Jeffrey Arcilla and Raquel Mangaliag:

Tell the world of His love.





Dada de Pano, Niser de Pano, Trina Belamide:

Let us tell the world of His love



Jeffrey Arcilla and Raquel Mangaliag:



The greatest love the world has known



Walk every step, every mile, every road

And tell the world,

Dada de Pano, Niser de Pano, Trina Belamide:

(…Tell the world of His love)

Jeffrey Arcilla and Raquel Mangaliag:

Tell the world…

Dada de Pano, Niser de Pano, Trina Belamide

(…Tell the world of His love)

Jeffrey Arcilla and Raquel Mangaliag

Tell the world of… His love!



All:

Tell the world of… His love!

Saturday, July 8, 2017

Paggalang at pag-awit ng Lupang Hinirang

ANG Lupang Hinirang, na ating Pambansang Awit, at ang Pambansang Watawat ang dalawang mahalagang pamana ng Himagsikan ng Pilipinas noong 1896. Kapag inaawit ang Lupang Hinirang, kasabay ang pagtataas ng ating Pambansang Watawat, sa flag raising ceremony at flag retreat sa mga paaralan at sa harap ng munisipyo at kapitolyo sa iba’t ibang bayan sa mga lalawigan ay dapat inaawit nang malakas at may pagmamalaki.

Ang mga kababayan nating naglalakad ay humihinto bilang paggalang at pagpupugay. Kung nasa kalsada, tumatayo nang tuwid, inilalagay ang kanang palad sa kaliwang dibdib at sumasabay sa pag-awit. Ngunit marami ang nakapapansin na nawawala na ang paggalang at pagkanta ng Lupang Hinirang. Tila malamya at maputla ang nasyonalismo o pagiging makabayan.

Nakatawag ng pansin sa marami nating kababayan, nang marinig sa radyo at telebisyon at mabasa sa mga pahayagan, ang paghaharap ng panukalang-batas sa Kongreso tungkol sa wastong pagkanta ng LUPANG HINIRANG na ating Pambansang Awit. Batay sa isinasaad ng House Bill No. 5224 na dapat ay naaayon sa orihinal na areglo ni Maestro Julian Felipe, isang makabayang kompositor at musician na kumatha ng ating Pambansang Awit. Martsa ang tiyempo ng Lupang Hinirang.

Isinasaad din sa panukalang-batas ang mga pagkakataon o okasyon na dapat kantahin ang ating Pambansang Awit: lokal na mga kompetisyon, pandaigdigang kompetisyon na host ang Pilipinas o may kinatawan ang ating bansa; sa sign on at sign off ng mga istasyon sa radyo at telebisyon; at sa una at huling screening ng pelikula sa mga sinehan at bago simulan ang pagtatanghal sa teatro. Ganito rin ang nilalaman ng REPUBLIC ACT 8491. Iniaatas din ng panukalang-batas na ang mga nasa ahensiya ng gobyerno ay dapat isaulo ang mga titik ng Lupang Hinirang gayundin ang mga mag-aaral. Kapag napagtibay ang nasabing panukalang-batas, ang mga lalabag sa probisyon ay magmumulta ng P50,000 hanggang P100,000 at may parusang dalawang taong pagkabilanggo. Pinapayagan din ng panukalang-batas ang pagsasalin ng Pambansang Awit sa mga diyalekto ng iba’t ibang rehiyon ng bansa. Ngunit ang translation ay kinakailangang may approval ng National Historical Commission (NHC) at ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF). Bukod sa mga nabanggit, isinasaad sa panuklang-batas ang rebisyon ng Flag and Heraldic Code of the Philippines.

Kung mapagtitibay ang panuklang-batas, marami ang naniniwala na makatutulong ito na mabago ang masamang asal ng marami nating kababayan at sa maling pag-awit ng Lupang Hinirang. Gagalangin na ang pagkanta sa ating Pambansang Awit. Hindi maikakaila at talagang nangyayari sa mga flag raising ceremony na hindi nasusunod ang tamang tiyempo ng pag-awit ng Lupang Hinirang.

Maging sa mga local at international competition na may kinatawan ang Pilipinas, inaawit ang Lupang Hinirang. Sa maraming pagkakataon tulad ng boksing, ang singer na naatasang kumanta ng Lupang Hinirang ay may kanya-kanyang paraan at istilo. Hindi nasusunod ang martsang himig ng ating Pambansang Awit. Nagkakamali pa minsan sa pagbigkas sa ilang titik ng Lupang Hinirang. At ang isa pang kapansin-pansin, iniiba ng mga singer ang tono. Nakahihiya. Ang sarap katusan at batukan.

Ngayong Hulyo 2, 2017, ang Pilipinang mang-aawit na kakanta ng Lupang Hinirang bago ang sagupaan nina Manny Pacquiao at Jeff Horn sa Brisbane, Australia, maririnig ng ating mga kababayan kung tama ang kanyang pagkanta.

ISANG makabayang kompositor, guro sa musika at rebolusyonaryo si Maestro Julian Felipe. Maihahambing at kapantay ng mga dakilang kompositor sa daigdig na kumatha rin ng kanilang pambansang awit tulad nina Rouget de Lesli, ng France; at Francis Scott Key, ng America. Isinilang sa Cavite City si Maestro Julian Felipe noong Enero 28, 1861. Siya ang bunso sa 12 magkakapatid na anak ng isang latero, musikero at miyembro ng choir sa simbahan. Isang karaniwang maybahay ang ina ni Maestro Julian Felipe. Nag-aral ng musika sa pagtuturo ni Leandro Cosca. Ang pagtugtog sa piano ay natutuhan niya kay Padre Pedro Catalan, isang paring musician at kura paroko ng Cavite. Palibhasay isinilang na nasa dugo ang pagiging kompositor, nagpatuloy sa pagkatha ng mga tugtugin kahit siya ay abala sa pagtuturo ng musika sa mga bata sa kanilang lugar. Nagliwanag naman na parang apoy ang pagiging makabayan ni Maestro Julian Felipe nang simulan ni Andres Bonifacio ang Himagsikan noong 1896. Tinigilan niya ang pagkatha ng mga tugtugin at sumama sa kilusan. Sa pangkat ni Heneral Emilio Aguinaldo.

Nang ilunsad ni Heneral Emilio Aguinaldo ang Himagsikan laban sa mga Amerikano, nakilala niya si Maestro Julian Felipe. Naging daan sa pagkikita si Heneral Mariano Trias. Nang mabatid na isang mahusay na piyanista at kompositor si Maestro Julian Felipe, pinatugtog sa kanya ang “Hymno de Balintawak” na kinatha ng isang Pilipino sa Hong Kong. Hindi nasiyahan sa tugtugin si Heneral Emilio Aguinaldo. Inatasan si Maestro Julian Felipe na kumatha ng isang tugtugin na kapag narinig ng mga Pilipino ay aalab ang damdaming makabansa. Magbibigay ng inspirasyon sa pakikipaglaban sa mga mapanakop na dayuhan. At higit sa lahat, nakapaloob sa tugtugin ang mga marangal na hangarin ng ating lahi.

Makalipas ang anim na araw at gabi, nabuo ni Maestro Julian Felipe ang tugtugin. At noong Hunyo 11, 1898, sa harap ng mga heneral na miyembro ng Gabinete ni Heneral Emilio Aguinaldo, tinugtog sa piyano ang tugtugin. Nagustuhan nina Heneral Aguinaldo at pinamagatang “Marcha Nacional Filipina.” Napagkasunduan na ito ang maging Pambansang Awit ng Pilipinas. Ang pormal na pagtugtog ng Pambansang Awit ay naganap noong HUNYO 12, 1898 nang ipahayag ni Heneral Emilio Aguinaldo sa Kawit, Cavite ang “Araw ng Kalayaan”.

Ang Pambansang Awit ay nagkaroon ng mga titik makalipas ang isang taon sapagkat ang tulang “Filipinas” na isinulat ni Jose Isaac Palma ay ginawang mga lyrics ng “Marcha Nacional Filipina.” Pinagsama noong Setyembre 3, 1899 at inilathala sa “La Independencia,” ang pahayagan ng Unang Republica. Mula noon, ipinahayag ni Heneral Aguinaldo na ang “Marcha Nacional Filipina” at ang tulang “Filipinas” ay ang Pambansang Awit ng Pilipinas.

Isinalin sa Ingles ang Pambansang Awit. Ang unang nagsalin ay si Paz Marquez Benitez, ng Unibersidad ng Pilipinas. Ngunit ang higit na nakilalang salin na pinamagatang “Philippine Hymn” ay ang salin ni dating Senador Camilo Osias at ni Mary Lane, isang Amerikana.

Ang mga makatang sina Ildefonso Santos at Julian Cruz Balmaceda ang nagsalin sa Tagalog ng Pambansang Awit at pinamagatan na “LUPANG HINIRANG.” Ipinahayag ni dating Pangulong Ramon Magsaysay noong Mayo 26, 1956 na ang “Lupang Hinirang” bilang opisyal na bersiyon ng Pambansang Awit. At batay naman sa isinasaad ng Republic Act 8491, ang “Lupang Hinirang” ay aawitin lamang sa wikang pambansa. Isinasaad din sa R.A. 8491 na ang pambansang awit ay dapat awitin maliban sa preceding events of recreation, amusement, or entertainment purposes, sa mga sumusunod na okasyon; lokal na mga kompetisyon, pandaigdigang kompetisyon na host ang Pilipinas o may kinatawan ang ating bansa; sa sign on at sign off ng mga istasyon sa radyo at telebisyon; at sa una at huling screening ng pelikula sa mga sinehan at bago simulan ang mga teatrong pagtatanghal. Ang lalabag sa nasabing batas ay pagmumultahin mula P5,000 hanggang P20,000 at pagkabilanggo.