Monday, June 12, 2017

NHCP: Maraming kabataan ang hindi kabisado ang ating pambansang awit

Nabahala ang National Historical Commission of the Philippines o NHCP sa dumaranas ng maraming Pilipino na bukod sa hindi alam ang tamang pagkanta ng "Lupang Hinirang" ay hindi pa kabisado ito. Paalala po ng NHCP, ang paglapastangan sa ating pambansang awit ay may karampatang parusa. Nakatutok si Jamie Santos.

Ang "Lupang Hinirang" ang ating pambansang awit.

Mahalaga ang pagkakaroon ng national anthem para sa isang bansang malaya, katulad ng Pilipinas.

Simbolo ito ng pagbubuwis ng buhay at hirap na dinanas ng ating mga bayani para makamit ang ating kalayaan.

Simbolo rin ng pagiging Pilipino.

Pero dismayado ang National Historical Commission of the Philippines, maraming kabataan daw ang hindi kabisado ang "Lupang Hinirang."

"Mayroong na punda kami na teacher, merong ding estudyante, pero kagipitan na nakakalimutan nila, kaya kailangan natin talaga ang puspusan pagpapaliwanag," sinabi ni Teodoro Atienza, Head of the Heraldry Section of NHCP.

Dapat tumagal lamang ng 53 segundo, isang bagay na ayon sa kanya, ay hindi nagawa ng mga umawit sa laban ni Pacquiao.

Sapagkat marami na sa mga kabataan ngayon ang hindi na pinahahalagahan ang Pambansang Awit. Marami ang hindi kabisado ang “Lupang Hinirang” at basta sumusunod na lamang sa agos kapag kinakanta. Wala na ring epekto sa kanila ang pagkanta nito na para bang karaniwan lang at hindi na pinahahalagahan. Tiyak na kung may magbibigay ng exam at ipasusulat ang “Lupang Hinirang” marami ang hindi makakapasa.

Higit na mainit ang usapin ukol sa pag-awit ng Lupang Hinirang nang aksidenteng makalimutan ng kilalang mang-aawit na si Christian Bautista ang ilang salita ng Lupang Hinirang nang awitin niya ito sa Exhibition Bout sa laban nina si Jerry Peñalosa at Concepcion Bernabe. Ganito ang naging pagkakamali ni Bautista:

Sa halip na:

Lupa ng araw ng luwalhati’t pagsinta
Buhay ay langit sa piling mo
Aming ligaya nang pag may mang-aapi
Ang mamatay ng dahil sa'yo.

ay naging:

Lupa ng araw ng luwalhati’t pagsinta
Ang mamatay ng dahil sa'yo.

Naging usap-usapan at napabalita sa media, lalo na sa mga blog ang pagkakamaling ito ni Bautista. Mababasa sa mga blog ang mga mensahe ng ilang nagpahayag ng kanilang pananaw o pagkadismaya.

Ganito ang naging pananaw ng ilan:

Christian Baustista’s own rendition of Lupang Hinirang was a big disappointment. If i were to ask, Bautista’s shortcut version of the National Anthem is not something to be proud of. It loses the dignity of our nation. This is not a funny joke nor a mere mistake. Nakakahiya!

Kahit kaya n'ya bayaran 'yung fine, the point is it is such an embarrassment for Filipino and especially on his part as a Filipino, even if foreigners wouldn’t understand the whole song or wouldn’t know the difference.

Binabayaran sila para kumanta…binabago nila ang tono at 'di nila isinasaulo.

Batay sa ilang mensaheng ito na aking kinuha, mahihinuhang sensitibo ang mga Pilipino sa pagpapahayag ng kanilang kaakuhan o identidad bilang Pilipino, lalo na kung may partikular na awdyens na pinagtutuunan o pinatutunguhan ang pagpapahayag na ito.

Ang wastong pag-awit ng Lupang Hinirang ay isang mahalagang pagkatataon upang maipakilala ang lahing Pilipino sa ibang bansa, na bagama't dumanas ng kay raming hirap sa kamay ng mga dayuhan ay lumaya at nanatiling matatag.

Bagamat nasa wikang Filipino ang Lupang Hinirang at 'di naman naiintindihan ng mga banyaga, ang ating tuwid na pagtindig, paglalagay ng kamay sa kanang dibdib, at sa taglay na ritmo nito, ay sapat ng mga batayan upang maipahayag ang ating pag-ibig sa bayan, na kahit sariling buhay ay kayang ibigay para sa bayan.

Samakatuwid, 'di matanggap o maintindihan ng ilang mga Pilipino, na kung paanong ang pag-awit ng Lupang Hinirang na itinuturo na sa isang bata pagkatuntong pa lang niya sa paaralan, ay makakalimutan ng isang kilala at Pilipinong mang-aawit.

Matinding pagkapahiya at pagdismaya ang kanilang naramdaman, lalo’t napapanood ito 'di lamang sa Pilipinas kundi sa buong mundo.

Ngunit walang taong perpekto 'ika nga, kahit kangino ay maaaring mangyari ang nangyari kay Bautista. May posibilidad pa ring makalimutan ang isang awit kahit ito ay nasa sistema na ng ating pagkatao at pag-iral o kahit buong-puso na itong inaawit.

Kung minsan o madalas, maski tayo ay nakakalimot. Nakakalimutan din naman natin na tayo ay Pilipino o ang ating pagka-Pilipino. Humingi ng tawad si Bautista na tila hiwalay siya sa sambayanang Pilipino.

Ganito ang kanyang sinabi:  "I apologize to the Filipino People for the lapse of memory that occurred yesterday during my rendition of the National Anthem. I was recovering from a cold and the adrenalin and excitement of the moment got me through it. Unfortunately, it was at the cost of a momentary lapse on my part. I promise that my next rendition of our National Anthem will be faultless."

Sa huling laban ni Pacquiao kay Joshua Clottey noong Marso 13, 2010 muling tumaas ang kilay ng NHI sa bersiyon ni Arnel Pineda, ang Filipinong bokalista ng Amerikanong bandang Journey, kung saan nagmistulang “pop song” ang pambansang awit at masyadong bumagal. Pinuna rin ng NHI ang hindi pagsusuot ni Pineda ng Barong Tagalog sa laban habang kinakanta ang Lupang Hinirang.

Nagpahayag naman si Rep. Elpidio Barzaga Jr. ng Cavite noong Mayo 2009 na maghahain siya ng “test case” laban kay Nievera na umawit sa laban ni Pacquiao kay Ricky Hatton dahil sa ‘di umano taliwas na pag-awit nito ng pambansang awit. Bukod dito, ninais din ni Barzaga na matukoy ang “jurisprudence whether or not the law would be applicable if the violation was committed outside the Philippines.”

Kung ang UP Concert Chorus ang tatanungin, ganito raw dapat inaawit ang ating National Anthem.

Naniniwala silang dapat na igalang ang orihinal na komposisyon ni Julian Felipe, pero merong itong iba't ibang bersyon, may mabilis: "Bayang Magiliw, Perlas ng Silanganan, Alab ng Puso sa dibdib mo'y buhay / Lupang Hinirang, duyan ka ng magiting sa manlulupig di ka pasisiil" at merong kasimbilis: "sa dagat at bundok sa simoy at sa langit mong bughaw; may dilag ang tula at awit sa paglayang minamahal. Ang kislap ng watawat mo'y tagumpay na nagniningning, ang bituin at araw niya kailan pa ma'y di magdidilim. Lupa ng araw, ng luwalhati't pagsinta, buhay ay langit sa piling mo; aming ligaya na pag may mang-aapi, ang mamatay ng dahil sa'yo."

Ang mahalaga, sundin ang orihinal na himig na ito.

"And then, umaawit kay Pacquiao, si ating kaibigan, and, sana naman nag-consult muna bago para hindi naman sila magsalita uli, and merong kasing law", sabi ni Prof. Janet Sabas-Aracama, Artistic Director and Conductor, UP Concert Chorus.

Pirme na lang ang isyu ng "Lupang Hinirang" tuwing may laban si Manny Pacquiao, iba't-ibang sikat na singer na ang umaawit na ito pero halos lahat hindi umano sumunod sa orihinal na komposisyon.

"Bayang Magiliw, Perlas ng Silanganan, Alab ng Puso sa dibdib mo'y buhay / Lupang Hinirang, duyan ka ng magiting sa manlulupig di ka pasisiil, sa dagat at bundok sa simoy at sa langit mong bughaw; may dilag ang tula at awit sa paglayang minamahal. Ang kislap ng watawat mo'y tagumpay na nagniningning, ang bituin at araw niya kailan pa ma'y di magdidilim. Lupa ng araw, ng luwalhati't pagsinta, buhay ay langit sa piling mo; aming ligaya na pag may mang-aapi, ang mamatay ng dahil sa'yo." Di ba? Martial siya? And I think the way we should, that way good itself already," sabi ni Dr. Ramon Acoymo, Associate Professor Voice and Music Theater/Dance Department.

Isa pang bagay na laging na iniiba ng mga singer ay ang dulo ng "Lupang Hinirang".

Kung titignan natin yung original version ng "Lupang Hinirang" ni Julian Felipe, makikita natin na yung nota doon sa dulo parang ganito na siyang maririnig. Pero ang madalas ginagawa ng mga singers sa boxing match ni Manny Pacquiao na ibang-iba doon sa original na melody na sinulat ni Julian Felipe.

"Ang mga kulot, birit, ornament, dekorasyon, o embellishment should only sang the original intent from the music and the words. Kung ang ginawa mo ay nakakatanggal na focus, so dapat i-focus ang tao, masiyadong marami ngayon, it's too much", sabi ni Acoymo.

Naging mainit ang pagpuna ng National Historical Institute (NHI) sa pagkanta ng pambansang awit sa mga laban ni Manny Pacquiao matapos itong “ibirit” ng mga mang-aawit tulad nina Sarah Geronimo, Jennifer Bautista, at Martin Nievera, isang bagay na sinasabi ng mga kompositor na estilo ng mga mang-aawit. Ngunit ayon kay Raul Sunico, dekano ng Conservatory of Music, naiiba ang pambansang awit sa karaniwang kanta dahil ang ayos at tono nito ay nasa batas.

But imfairness, kung mamasdan pinagkikinggan mo ang mga Pinoy artists ay pinagbubutil at halos mapatid ng mga litid sa leeg ng mga ito sa pag-birit ng Pambansang Awit.

May kalayaan daw ang lahat na singers ng bigyan ng ibang interpretasyon ng isang awitin, pero sa kaso ng National Anthem, may sapat na dapat sundin, at malinaw sa RA 8491, section 37, na ang tamang pag-awit ng National Anthem ay ang bersyon ni Julian Felipe, dapat 2/4 beat ang pagtugtog dito, at dapat ay nasa 100 hanggang 120 beats per minute sa 4/4 beat kapag kinakanta. Kapag ito ay narinig, tumayo ng matuwid, humarap sa watawat at ilagay ang kanang kamay sa kaliwang dibdib habang inaawit. Ito ay pwedeng kantahin sa seremonya ng pag-taas at pag-baba ng watawat, pandaigdigang kumpetisyon na host ang Pilipinas o may kinatawan ang ating bansa; sa sign on at sign off ng mga istasyon sa radyo at telebisyon; bago ang pagbubukas ng oras ng trabaho at nagtatapos ang trabaho ng mga emplyeado; at sa una at huling screening ng pelikula sa mga sinehan at bago simulan ang mga teatrong pagtatanghal.

Ang sinong lumabag nito na babastusin o gagawing katatawanan ang pambansang awit ay mahaharap sa kasong criminal o administratibo o dapat na magmulta ng 5,000 to 20,000 pesos o isang taong pagkakakulong.

Mukahin ng UP College of Music, sana raw ang National Historical Institute ang orihinal na bersyon at masusing ituro ito ng mga mangaawit na hindi na muli pagmulan pa ng kontrobersya.

Hindi rin paliligtasin ang sinumang magtatangkang baguhin ang orihinal na areglo ng pag-awit ng Lupang Hinirang.

Ang isyu ukol sa tamang pag-awit ay lumitaw sa mga laban ng boxing superstar at ngayo’y Kinakatawan ng Sarangani na si Manny Pacquiao. Sa mga nakaraang laban ni Pacquiao, iba’t-ibang sikat na mang-aawit ang inanyayaan upang awitin ang Lupang Hinirang. Subalit karamihan sa mga mang-aawit na ito ay iniba ang tono ayon sa kanilang istilo ng pag-awit. Ikinagalit ito ng ilang mananalaysay na nagsasabing isang paglalapastangan ang ginawang rendisyon ng Pambansang awit ng ilang sikat na mang-aawit.

Bukod kay Bautista, nauna nang umani ng batikos sa pag-awit ng Lupang Hinirang ang isa pang mang-aawit na Bautista na si Jennifer Bautista sa laban nina Manny Pacquiao at Erik Morales sa Thomas & Mack Center noong Enero 21, 2007.

Bukod sa wala raw sa tonong pag-awit ni Jennifer Bautista, marami ang nainis dahil ginawa niyang pop ang pag-awit ng Lupang Hinirang, at sa huli ay “sumablay" pa na mariin namang itinanggi ni Jennifer.

Tulad ng kay Christian, marami rin ang naglagay ng kanilang mensahe sa mga blog ng kanilang pagkadimasya sa sinasabing “pagkakalat" ni Jennifer. Tulad ni Christian, may ibinigay ding dahilan si Jennifer kung bakit nangyari ito.

Ayon sa kanya, maingay ang mga tao sa loob ng venue kaya hindi niya marinig ang tugtog. Matapos na maipanalo ni Pacquiao ang laban, tinawag na “Lucky Charm Diva" si Jennifer.

Itinuturing siyang “lucky charm" ni Pacman matapos siyang sumigaw ng “Laban, Pacman!" pagkatapos niyang awitin ang Lupang Hinirang.

Sa mga blog na aking napuntahan, binatikos din ng marami ang mali at ibang pag-awit ng Lupang Hinirang nina Geneva Cruz at Sarah Geronimo. Ang pagkakaawit ng dalawa ay iba rin raw sa kanilang nakagisnan o nakagawian nilang pag-awit ng Lupang Hinirang.

Paano nga ba dapat awitin ang Lupang Hinirang? Ano dapat na maging bilis nito? Anong bersyon ang dapat gamitin o sundin? Maaari nga bang baguhin ang pag-awit?

Ngunit kung susundin nang literal ang nakasaad sa batas na dapat awitin ang Lupang Hinirang batay sa orihinal sa areglo ni Julian Felipe, lahat pala tayo ay matagal ng nagkakasala at dapat na maikulong.

Hindi natin dapat inaawit ang Lupang Hinirang dahil wala namang titik ang orihinal na komposisyon ni Julian Felipe. May dalawang bersyon ng Lupang Hinirang na naisulat si Felipe, ang bersyon sa piyano at isang bersyon sa banda o musiko, na may dalawahan o palakumpasang 2/4.

Samakatuwid, ang Lupang Hinirang ay nagsimula bilang isang instrumental na martsa na unang ipinarinig sa sambayanang Pilipino sa proklamasyon ng Kalayaan ng Pilipinas noong ika-12 ng Hunyo 1898.

Ang instrumental na martsang ito na komposisyon ni Felipe ay may pamagat na Marcha Filipina Magdalo, at pinalitan ng Marcha Nacional Filipina, matapos na maging pambansang martsa ito ng Pilipinas. Naging tanyag ang martsang ito.

Mahigit isang taon na nanatiling walang lyrics o salita ang komposisyon ni Felipe. Ngunit sa pagtatapos ng buwan ng Agosto noong 1899, isang batang makata at sundalo ang sumulat ng tulang may pamagat na Filipinas sa wikang Kastila, si Jose Palma (nakababatang kapatid Dr. Rafael Palma).

Ang tulang ito ni Palma ang naging liriko ng pambansang awit, na unang nalathala noong Setyembre 3, 1899 sa isyu ng La Independencia sa unang pagdiriwang nito.

Samakatuwid, ang orihinal na lyrics ng Lupang Hinirang ay nakasulat sa wikang Kastila.
Ngunit sa panahon pananakop ng mga Amerikano, ipinagbawal ang pag-awit ng Lupang Hinirang sa pamamagitan ng pagpapatibay ng Flag Law.

Noong 1919, iniutos ng pamahalaan ng Amerika na isalin ang Lupang Hinirang sa wikang Ingles.
Ang salin sa Ingles ng Lupang Hinirang na tinawag na "Philippine Hymn", ay isinagawa nina Senator Camilo Osías , ng isang Amerikano, at ni Mary A. Lane.

Ang “Philippine Hymn" ay naging legal at opisyal sa pamamagitan ng pagpapatibay rito ng Kongreso noong 1938.

Noong 1920, upang mas higit na madaling awitin ang Lupang Hinirang, ginawang apatan o palakumpasang 4/4 mulang orihinal na dalawahan o palakumpasang 2/4 at ang key ay pinalitan ng G mulang orihinal na C major.

Tuluyan lamang naangkin at naramdaman ng mga Pilipino ang mensahe ng Lupang Hinirang nang isalin na ito sa wikang Tagalog noong 1940. Ang tanyag na salin sa Tagalog na O Sintang Lupa ay isinagawa nina Julian Cruz Balmaceda, Ildefonso Santos at Francisco Caballo. Ang O Sintang Lupa ay naging opisyal na pambansang awit ng Pilipinas noong 1948.

At sa panahon ni Pangulong Ramon Magsaysay, bumuo siya kasama ni Gregorio Hernandez, na noon ay Kalihim ng Edukasyon, ng isang komisyon na magrerebisa ng lyrics ng Lupang Hinirang.

At noong Mayo 26, 1956, inawit na ang pambansang awit ng Pilipinas, ang Lupang Hinirang.

Dumaan pa rin sa bahagyang rebisyon ang lyrics ng Lupang Hinirang noong 1962. Ang bersyong ito ang kinikilala at ginagamit natin sa kasalukuyan. Ito ay napoprotektahan ng Republic Act No. 8491 o ng Flag and Heraldic Code of the Philippines. Nakasaad dito na dapat awitin ang Lupang Hinirang sa Wikang Pambansa ng Pilipinas, sa Wikang Filipino, sa loob o labas man ng bansa.

Mayaman ang kasaysayang pinagdaanang ng Lupang Hinirang bilang pambansang awit ng Pilipinas at mahalagang matutunan natin itong balikan. 'Di dapat makaligtaan ng bawat Pilipino ang layunin ng pagkakalikha ng Lupang Hinirang na pag-alabin ang damdamin makabayan ng mga Pilipino, sa panahong di pa taglay ng Pilipinas ang wagas na kalayaan.

Dahil nasa batas rin na dapat awitin ang Lupang Hinirang kung kasali ang Pilipinas sa anumang pandaigdigang patimpalak, natutunan sanang awitin ito nang tama.

Sundin ang orihinal na bersyon na dalawahan o sa palakumpasang 2/4, at di dapat sa apatan o palakumpasang 4/4.

Mapapansing malimit na ginagamit na pagkakataon ang pag-awit ng Lupang Hinirang sa mga pandaigdigang patimpalak o palakasan tulad ng boxing, upang maipakita ng umaawit ang kanyang sariling istilo o husay sa pag-awit.

Ginagamit na pagkakataon ito ng mang-aawit upang maipakilala ang sarili bilang isang mahusay na mang-aawit, lalo na’t mapapanood ito sa buong mundo. Dahil dito, maraming Pilipino ang nadidismaya sa pag-awit ng Lupang Hinirang, dahil mas lumulutang ang personalidad ng mang-aawit kaysa kabuuang damdamin at kabayanihan ng mga Pilipino.

'Di natin masalamin ang ating sarili sa pag-awit ng Lupang Hinirang. Nakakalimutan ng mang-aawit na kailangan niyang awitin ang Lupang Hinirang 'di bilang siya lamang, kundi bilang kinatawan ng sambayanang Pilipino.

Kaya inaalam namin kung kabisado nga ba ng ating mga kababayan ang "Lupang Hinirang", ang lalaking ito, game nag-sample ng kanyang bersyon ng National Anthem.

Sa umpisa ng kanta, nakakabilib  kami. "Bayang Magiliw, Perlas ng Silanganan Alab ng Puso sa dibdib mo'y buhay"

Pero sa kalangitaan: "Lupang Hinirang duyan ka ng magiting sa manlulupig di ka pasisiil sa dagat at bundok sa simoy at sa langit mong bughaw; may dilag ang tula at awit sa paglayang minamahal. Ang kislap ng watawat mo'y tagumpay na nagniningning, ang bituin at araw niya kailan pa ma'y di magdidilim. Lupa ng araw, ng luwalhati't pagsinta, buhay ay langit sa piling mo; aming ligaya na pag may mang-aapi ang mamatay ng dahil sa'yo."

Ang isa nito naman, nag-kasablay-sablay: "Bayang Magiliw, Perlas ng Silanganan Alab ng Puso sa dibdib mo'y buhay / Lupang Hinirang, duyan ka ng magiting sa manlulupig di ka pasisiil / Sa dagat at bundok sa simoy at sa langit mong bughaw; may dilag ang tula at awit sa paglayang minamahal. Ang kislap ng watawat mo'y tagumpay na nagniningning, ang bituin at araw niya kailan pa ma'y di magdidilim. Lupa ng araw, ng luwalhati't pagsinta, buhay ay langit sa piling mo; aming ligaya na pag may mang-aapi ang mamatay ng dahil sa'yo."

Pero paliwanag niya, "na lupain naman ng pagiging Pilipino natin, kahit na kalimutan iyon, pero, siyempre, iba pa rin kabisado mo 'yung "Lupang Hinirang".

Ang mamang ito seryosong sumagot sa aming mga tanong. Pero alam kaya niya ang title ng ating national anthem? "BAYANG MAGILIW po."

Pero, ang aling ito, alam niya ang title ng ating national anthem, pero?
JAMIE SANTOS: Pero, ang pambansang awit ng Pilipinas?
Interviewer: "Lupang Hinirang"
JAMIE SANTOS: Kabisado mo ba natin?
Interviewer: Hindi po, eh!
JAMIE SANTOS: Bakit po?
Interviewer: Eh, walang practice! Eh, sa mga school na ngayon, minsan, every Monday na lang, dapat EVERYDAY!

Sa kabila kasi ng reklamo ng NHCP ukol sa paglabag sa Republic Act 8491, hindi masampahan ng kaukulang kaso ang mga mang-aawit sapagkat ang umano’y “krimen” ay naganap sa ibang bansa kung saan walang bisa ang naturang batas.

Pero, alam niyo ba na may karampatang parusa sa lalabag o hindi mag-bibigay galang kapag tinutugtog ang ating pambansang awit?

"Mayroong kahulugan parusa dito, maaaring magmulta ng 5 hanggang 20,000 o makulong ng isang taon", Atienza said.

“Sinasabi nila, sa ibang bansa ginawa iyong pagkakamali. Pero malaki ang epekto nito sa lahat ng mga Pilipino. Hindi lang iyong mga nasa ibang bansa, pati iyong mga nandito sa bansa,” ani Atienza.

Ayon naman kay Eleazardo Kasilag, pangulo ng Federation of Associations of Private Schools Administrators, panahon na para tumanggap ang publiko ng ibang paraan ng pag-awit ng Lupang Hinirang.

“Originally, it was a march, yes, because of the war, but in the 20th century, I found that passable. After all, even the Filipino flag is no longer the original one. The word Pilipino is now Filipino. The singer stuck to the lyrics anyway. So many cultural traits have lost their germane applications which should have been guarded and we do not complain about them,” dagdag pa niya.

Para naman kay Atienza, dapat galangin ang pambansang awit at panatilihin sa orihinal na bersiyon nito sapagkat ito ay inaprubahan ng ating mga bayani, at ang “mga kumakanta ng mali ay walang galang sa ating mga bayani.”

Sinang-ayunan ito ni Sunico na nagsabing hindi puwedeng gawing rason ang pagkamalikhain ng mang-aawit para baguhin ang interpretasyon ng pambansang awit.

“The National Anthem is, by itself, a sacred thing that we cannot tamper with,” aniya. “If they want to be creative or they want to show-off their high voice, they want to show that they can sing with a lot of impressive technique, then they do it for other pieces. But as far as the National Anthem is concerned, there is a straightforward way of rendering it.”

Kung may panuntunan sa tamang pagkanta ng National Anthem ng Pilipinas, gayon din sa pagtaas ng ating watawat.

Sa ilalim kasi ng Flag and Heraldic Code of the Philippines, mariin na ipinagbawal na gupitin, tapakan o sirain ang ating watawat, bawal rin ito gamiting pantakip at hindi ito idikit sa mga sasakyan. Bawal ilagay sa ilalim ng larawan o painting o ibaba sa anumang platform. Hindi rin itong gawing costume, at kailangang palitan kung punit-punit na.

Inaatasan ang lahat ng tanggapan, pribado man o pampamahalaan, na magpakita ang pambanasang watawat mula Mayo 28 o ang National Flag Day hanggang Hunyo 12 o ang Araw ng kalayaan.

Isang araw lang kada taon ginugunita ang ating kasarinlan pero habang-buhay at araw-araw ang pagiging Pilipino.

Isang paraan kung paano tatangkilikin ang “Lupang Hinirang” ay sa pamamagitan ng pagbabalik nang araw-araw na flag ceremony sa mga paaralan. Sa kasalukuyan, tuwing Lunes na lang ginagawa ang flag ceremony at saka uulitin ng Biyernes, kung kailan ibababa ang watawat.

Kung araw-araw na kakantahin sa umaga ang “Lupang Hinirang”, tiyak na makakabisado ito ng mga mag-aaral. Napapanahon na para ibalik ang da­ting nakaugalian nang pag-awit sa “Lupang Hinirang” para naman hindi mawala ang pagmamahal sa bansa. Malaki ang naidudulot nang sama-samang pagkanta sa Pambansang Awit. Naisasapuso at nadarama ang labis na pagkamakabayan.

Ang "Lupang Hinirang" at ang ating watawat, mga simbolo na ating kalayaan dapat buong buhay nating pinapahalagahan.

https://www.youtube.com/watch?v=NFZmOELj0A0

No comments:

Post a Comment