Tuesday, June 27, 2017

'HANDA, AWIT!' MALING RENDISYON NG 'LUPANG HINIRANG', PINAMUMULTAHAN

Buti yun Lupang Hinirang sa ABS-CBN may mga artista at mamahayag, sa GMA naman mga Philippine heroes and occupations
Ang mga iba TV station nagbago ng Lupang Hinirang Music Video
Bakit ang TV5 na Lupang Hinirang ay ganun pa rin Hindi nagbabago
anyare ano ba 'yan?
Pasado na sa ikatlo at huling pagbasa sa Kamara ang panukalang batas na naglalayong pagmultahin ang mga sasablay sa pag-awit ng "Lupang Hinirang."
Nakasaad sa House Bill 5224 na dapat ay naaayon sa orihinal na areglo ni Julian Felipe, komposidor ng "Lupang Hinirang," ang tiyempo nito.
Ibig sabihin, dapat 2/4 beat ang pagtugtog dito, at dapat ay nasa 100 hanggang 120 beats per minute sa 4/4 beat kapag kinakanta.
Bukod sa tamang pag-awit, nakalagay rin sa panukalang batas kung ano-anong okasyon lang pupuwedeng kantahin ang "Lupang Hinirang."
Inoobliga rin ng panukala ang mga kaukulang ahensiya ng gobyerno na tiyaking nasasaulo ng mga estudyante ang "Lupang Hinirang"
Sakaling maipasang batas, aabot sa P50,000 hanggang P100,000 ang multang haharapin ng mga lalabag sa probisyon nito.
Pinahihintulutan rin ng panukalang batas ang pagsasalin ng pambasang awit sa mga wika at diyalekto sa mga rehiyon sa bansa.
Ang kondisyon lamang sa pagsasalin: dapat aprubado ng National Historical Commission at nasilip rin ng Komisyon sa Wikang Filipino.
Nakasaad din sa panukalang batas ang ilang mga tamang asta o kilos sa tuwing patutugtugin ang pambansang awit.
Gayundin, tinalakay sa panukalang "Revised Flag and Heraldic Code of the Philippines" ang tamang paggalang sa watawat ng Pilipinas.

No comments:

Post a Comment