Friday, February 17, 2017

PANUNUMPA NG KAWANI NG GOBYERNO

Ako'y kawani ng gobyerno,
tungkulin ko ang maglingkod
nang tapat at mahusay.
Dahil dito, ako'y papasok nang maaga 
at magtatrabaho ng lampas sa takdang oras kung kinakailangan.
Magsisilbi ako nang magalang at mabilis / sa lahat ng nangangailangan./
Pangangalagaan ko ang mga gamit, / kasangkapan / 
at iba pang pag-aari ng pamahalaan./
Pantay at makatarungan / ang pakikitungo ko sa mga lumalapit / 
sa aming tanggapan./
Magsasalita ako / laban sa katiwalian at pagsasamantala./
Hindi ko gagamitin / ang aking panunungkulan / sa sarili kong kapakanan./
Hindi ako hihingi o tatanggap ng suhol, / sisikapin kong madagdagan / 
ang aking talino at kakayahan / upang ang antas ng paglilingkod sa bayan / 
ay patuloy na maitaas./
Sapagkat ako'y isang kawani ng gobyerno / at tungkulin ko ang maglingkod / 
nang tapat at mahusay, / sa bayan ko at sa panahong ito, / 
ako at ang aking mga kapwa kawani / ay kailangan tungo sa isang maunlad, / 
masagana / at mapayapang Pilipinas./
Sa harap ninyong lahat / ako'y taos pusong nanunumpa.

PANUNUMPA NG LINGKOD BAYAN (OATH OF THE public servant)

Ako’y isang lingkod bayan. / 
Katungkulan ko ang maglingkod ng buong katapatan at kahusayan / 
at makatulong sa katatagan at kaunlaran / ng aking bayan. / 
magiging bahagi ako / ng kaayusan at kapayapaan sa pamahalaan / 
at magiging halimbawa ako / ng isang mamamayang masunurin / 
at nagpapatupad ng mga umiiral na batas at alituntunin / 
nang pantay-pantay at walang kinikilingan. /
Magsisikap akong patuloy na maragdagan / 
ang aking kabatiran at kaalaman. / 
Ang bawat sandali ay ituturing kong gintong butil / 
na gagawing kapaki-pakinabang. / 
Lagi kong isasaalng-alang / ang interes ng nkararami / 
bago ang pansarili kong kapakanan. /
Isusulong ko ang mga programang mag-aangat /
sa antas ng kabuhayan ng mga mahihirap / at aktibo akong makikibahagi / 
para sa mga dakilang layunin sa lipunan. / Hindi ako magiging bahagi /
at isiswalat ko ang anumang katiwalian / na makaaabot sa aking kaalaman. /
Sa lahat ng panahon, / aking pagsisikapang makatugin / sa hamon sa lingkod bayan. / 
Ang lahat ng ito / para sa ating Dakilang Lumikha / sa ating bayan. / 
Kasihan nawa ng Panginoon.

PANUNUMPA NG KATAPATAN SA WATAWAT NG PILIPINAS (Pledge of Allegiance to the Flag of the Philippines)

Ako'y nanunumpa sa watatwat ng Pilipinas
at sa republikang kanyang kinakatawan.
Isang bansang pinapatnubayan ng Diyos, buo at di mahahati,
na may katarungan at kalayaan para sa lahat.

Panatang Makabayan (Oath of Patriotism)

Ang Panatang Makabayan,
Iniibig ko ang Pilipinas.
Ito ang aking lupang sinilangan
Ito ang tahanan ng aking lahi
Ako'y kanyang kinukupkop at tinutulungan
Upang maging malakas,
maligaya at kapakipakinabang
Bilang ganti ay diringgin ko
ang payo ng aking mga magulang.
Susundin ko ang mga tuntunin ng aking paaralan
Tutuparin ko ang mga tungkulin ng
isang mamamayang makabayan
at masunurin sa batas
Paglilingkuran ko ang aking bayan
nang walang pag-iimbot at ng buong katapatan.
Sisikapin kong maging isang tunay na Pilipino
sa isip, sa salita, at sa gawa.

Ang Pambansang Awit ng Pilipinas

Bayang magiliw
Perlas ng Silanganan
Alab ng puso
Sa dibdib mo'y buhay

Lupang hinirang
Duyan ka ng magiting
Sa manlulupig
Di ka pasisiil
Sa dagat at bundok
Sa simoy at sa langit mong bughaw;
May dilag ang tula
At awit sa paglayang minamahal.

Ang kislap ng watawat mo'y
Tagumpay na nagniningning,
Ang bituin at araw niya
Kailan pa ma'y di magdidilim.

Lupa ng araw, ng luwalhati't pagsinta,
Buhay ay langit sa piling mo;
Aming ligaya na pag may mang-aapi
Ang mamatay ng dahil sa'yo.